Pag-asa

Kung kailan mo man nararamdaman na nag-iisa ka, isipin mo lang na andito ako. Kahit na hindi mo napapansin, ako ang taong nasa tabi para lang pumalakpak at magsuporta sa’yo. Ako ang nagsasabi sayo ng “Kaya mo yan! Huwag kang sumuko” kasi, kung ano man ang mangyari, di kita iiwan na lumaban ng mag-isa. Andito ako para magbigay ng pasensya at pagpapahalaga. Kaya kung sinasabihan mo ang iyong sarili na hindi mo na talaga kaya, isipin mo lang na may isang tao na sasalo sa lahat ng paghihirap mo. Kung lahat man ay di mo na maaasahan, huwag kang mawalan ng tiwala sa akin dahil andito lang ako para sa’yo. Sabay tayong lumaban dahil, kung ano man ang mangyari, ako ang magbibigay sayo ng iyong natitirang pag-asa.