To Whom It May Concern

View Original

Hintay.

"Di ko alam kung dapat i-tigil ko na tong kalokohan na toh. Kalokohan na magintay ng magintay at kung sa dulo ng kalakasan ko, umasa naman pala sa wala. Tama nga sila. “mahirap.” “Sa totoo lang, di posible. Lalo na sa idad mong ganyan.” “Di gagana ang relasyon na yan.” “Bata ka pa.” ano ba iniisip ko noon? Na mamahalin ako at magiintay ng forever and ever? PUTEK. Walang ganyan sa reyalidad. Lalo na sa sitwasyon na ito at sa idad ko. Kawawa naman ako. Naging tangi. "

Ganyan na man talaga pagnatutunan mong mahalin ang isang tao – masaya ka pagmagkasama kayong dalawa at umaabot hanggang tenga ang ngiti mo sa pag-oonline o pagtext niya lang. Pero hindi lagi happy ang ma-in love. Minsan maranasan mo ang grabeng sakit na feeling mo hindi na umiikot ang mundo mo. Oo, mahirap nga at bata ka pa pero di mo naman piniling mahalin siya. Falling for him is something involuntary like breathing or your heart beating. The difference? Hindi ka mamamatay kung wala siya. Iikot pa rin ang mundo mo and life goes on kahit gaano man kasakit ang nararamdaman ng puso mo. It’s nice and sweet to say na siya ang priority mo pero reality is he shouldn’t be. Hindi muna ngayon. Focus on what you should be focusing on and follow GOD’s plans for you. Kung andyan pa rin siya pagkatapos mong gawin ang lahat mong kelangang gawin para sa buhay mo, diyaan mo na isipin kung siya nga ba talaga si “Mr. Right” kasi baka may ibang plano si LORD para sa’yo. Pero malay mo… siya rin nga siguro ang pinili ni LORD na maghintay sa’yo because when all is said and done, true love really does wait.